Gabi At Araw


Ang liwanag ng buhay ko
Ay nanggaling sa buhay mo
Tanglaw ka ng ligaya at pag-ibig
Ang bituin sa gabi'y iyo
Pagkat yan ay ang puso ko
Tanawin mo't ikaw
Ang siyang ninanais

Gabi at araw
Aking aawitan
Ang dakila mong
Pagmamahal
Gabi at araw
Lagi kang karamay
Sa lungkot at tuwa
Niyaring buhay

Wag mong tulutan
Tayo ay magtampuhan
Ating tibayan
Ang pagmamahalan

Gabi at araw
Wag kalilimutan
Ikaw at ako'y gabi't araw
Wag mong tulutan
Tayo ay magtampuhan
Ating tibayan
Ang pagmamahalan
Gabi at araw
Wag kalilimutan
Ikaw at ako'y gabi't araw
Ikaw at ako'y gabi't araw