Gulong Ng Palad
Ang palad nati'y gulong lamang
Na ikot ng ikot habang nabubuhay
Sa takbo na patalbog talbog
Magsanay na tayo na huwag malulungkot
Kung minsa'y palapit kung minsa'y palayo
Ang palad ay gulong na ayaw huminto
Kung minsa'y pababa kung minsa'y pataas
Tayo'y nasa gulong nitong palad
May araw at may gabing lagi
Magkasunod lamang ang tuwa't dalamhati
Ngunit dapat tayo'y magtimpi
Hirap ay kay haba ginhawa'y kay ikli
Kung minsa'y palapit kung minsa'y palayo
Ang palad ay gulong na ayaw huminto
Kung minsa'y pababa kung minsa'y pataas
Tayo'y nasa gulong nitong palad
Sa takbo ng palad mo tuwina
Dapat humanda kung mapailalim ka
Ang buhay wari'y balintuna
Tawa ka ng tawa mamaya'y lumuluha
Kung minsa'y palapit kung minsa'y palayo
Ang palad ay gulong na ayaw huminto
Kung minsa'y pababa kung minsa'y pataas
Tayo'y nasa gulong nitong palad
Sa buhay dapat na malaman
Ang pighati'y labis kaysa kagalakan
Ang palad nati'y gulong lamang
Na ikot ng ikot habang nabubuhay