H'wag mong sabihin


Sana'y h'wag mong sabihing
Ako'y di mo mahal
Sapagkat ang pusong ito
Ang mahal ay ikaw

Sana'y h'wag mong sabihing
Iyong kalilimutan
Ang tamis ng ating sumpaang wika mo'y
Di na mapaparam

Sana'y h'wag mong sabihing
Di mo na diringgin
Ang aking pagsamong ito
At mga pagdaing

At lalong h'wag sabihing
Na may higit sa akin
At sa iyong puso'y makapagdudulot
Ng sapat na aliw

Sana'y h'wag mong sabihing
Di mo na diringgin
Ang aking pagsamong ito
At mga pagdaing

At lalong h'wag sabihin
Na may higit sa akin
At sa iyong puso'y makapagdudulot
Ng sapat na aliw