Navotas Malabon


Ang pangalan ng nobya ko'y Corazon
At siya ang aking naging primer amor
Hindi na kami nagkita
Kung hindi noong magpiyesta sa Navotas Malabon

Nagkatinginan kami anong tagal
At parang kapwa kami kinabahan
Pagkat ang kanyang esposo na instructor daw sa judo
Ay tinitingnan ako

Dahan-dahan ang aking paatras na hakbang
Dahil sa baka ako ay biglang sunggaban

At noo'y aking nakitang
Kayraming nakaabang
At panay na siga siga
Ang aking nalingunan

Kung kaya ako'y kumaskas ng takbo
Mabilis pa sa lintik ang tulin ko
Kailan ma'y di ko malimot
Ang lumipas kong kahapon sa Navotas Malabon

Nagkatinginan kami anong tagal
At parang kapwa kami kinabahan
Pagkat ang kanyang esposo na instructor daw sa judo
Ay tinitingnan ako

Dahan-dahan ang aking paatras na hakbang
Dahil sa baka ako ay biglang sunggaban

At noo'y aking nakitang
Kayraming nakaabang
At panay na siga siga
Ang aking nalingunan

Kung kaya ako'y kumaskas ng takbo
Mabilis pa sa lintik ang tulin ko
Kailan ma'y di ko malimot
Ang lumipas kong kahapon sa Navotas Malabon