Habang Tayo'y Magkaibigan
Lagi kong binabalikan mga araw ng ating kamusmusan
Noon ang mundo'y malaking palaruan
Mga ilog bukid at lansangan may mga alaalang iniwan
Sa musmos nating kalooban
Mga araw ay mabilis na lumilipas
Laging nagbabanta ang bukas
Ngunit patuloy tayong maglalakbay sa hangganan ng buhay
Habang tayo'y magkaibigan
Habang tayo'y magkaibigan
La
Kinabukasan ay di tiyak tayo ba'y magiging mapalad
Sa pagkamit ng mga pangarap
At kung puso'y magkasugat-sugat
Hangga't nariyan iyong paglingap
May tatanawin akong liwanag
Mga araw ay mabilis na lumilipas
Laging nagbabanta ang bukas
Ngunit patuloy tayong maglalakbay sa hangganan ng buhay
Habang tayo'y magkaibigan
Habang tayo'y magkaibigan
Habang tayo'y magkaibigan
La la la
Habang tayo'y magkaibigan
Habang tayo'y magkaibigan