Hintay


Magdamag naghihintay sa'yong pag-uwi
Baka sakaling maisipan mo naman ako'y pansinin
Nag-aabang nakatitig na naman tayo sa kawalan
Nananaginip sa mga bagay na hindi maaatim

Hindi ba't ikaw din ang nagsabi
Hinahanap mo ang puso mo
Ako nama'y maghihintay sa tamang panahon

Huhulaan ba nagbubulungang labi
Na sinisigaw sa likod ng aking isip
Kasi hindi pa kayang tanungin
Kahit alam naman ang sasabihin

Dumaan ka na naman sa panaginip kagabi
Baka sakaling sa pagmulat ika'y makatabi
Tumatakas ang mga letrang gusto kong pakawalan
Bawat minuto'y sinasayang sa walang katuturan

Hindi ba't ikaw din ang nagsabing
Hinahanap mo ang puso mo
Ako nama'y maghihintay sa tamang panahon

Huhulaan ba ang nagbubulungang labi
Na sinisigaw sa likod ng ating isip
Kasi hindi pa kayang tanungin
Kahit alam mo na ang sasabihin

Huhulaan ba ang nagbubulungang labi
Na sinisigaw sa likod ng ating isip
Kasi hindi pa kayang tanungin
Kahit alam naman ang sasabihin

Huhulaan ba ang nagbubulungang labi
Na sinisigaw sa likod ng ating isip
Di ko pa kayang tanungin
Kahit alam ko na ang sasabihin