Ikaw Ang Alak at Tinapay
Ikaw ang alak at tinapay ng langit
Ikaw ang kaligtasang aming nakamit
Pagsamo ng iyong baya'y pakinggan
Maging marapat na ika'y pagsaluhan
Alay na hatid sa dambanang banal
Lakip nito'y bahagi ng aming nakayanan
Hindi lang dahil sa gawa naming kulang
Kundi sa pag-ibig mong kami'y pinupunan
Ikaw ang alak at tinapay ng langit
Ikaw ang kaligtasang aming nakamit
Pagsamo ng iyong baya'y pakinggan
Maging marapat na ika'y pagsaluhan
Tugunan ang aming pagbabalak
Ang hari na ngayo'y binabasbasan
Kung sa pagpitas at pag-ani'y ganap
Biyayang tanging sa iyo nagmumula
Ikaw ang alak at tinapay ng langit
Ikaw ang kaligtasang aming nakamit
Pagsamo ng iyong baya'y pakinggan
Maging marapat na ika'y pagsaluhan