Iniibig Kita
Bawat kilos mo'y aking nadarama
Puso ko ngayo'y laging nangangamba
Di ko nais na malaman mong
Iniibig kita
Sa bawat araw na magdaan sinta
Langit na sa akin ang makita
Puso ko ngayon kumakaba
Baka malaman mo umiwas ka
At kahit na pilitin kong limutin ka
Di ko magagawa pagkat mahal kita
Ika'y ibang-iba
Iniibig kita
Kung sakali mang malabo na sinta
Ang damdamin ko wag kang magtataka
Dahil pag-ibig na tunay
Maging ang Maykapal sinusuway
At kahit na pilitin kong limutin ka
Di ko magagawa pagkat mahal kita
Ika'y ibang-iba
Iniibig kita
At kahit na pilitin kong limutin ka
Di ko magagawa pagkat mahal kita
Ika'y ibang-iba
Iniibig kita