Maghihintay Sayo


Pangako ko sayo ako'y hindi magbabago
Kahit na iniwan mo ang pag-ibig kong ito
Hinding-hindi magsasawang maghihintay sayo
Itong puso ko laging tapat sayo
Kahit na nasasaktan marahil ay sadyang ganyan
Ngunit magbalik ka lang patawad ko'y nakalaan

Maghihintay pa rin ako'y maghihintay pa rin
At kailanma'y hindi maglalaho ang pag-ibig ko sayo
Sana'y muli mong pasinin at sanay muli mong mahalin
Pagkat naghihintay pa rin ako'y naghihintay pa rin sayo

Kahit na kay layo mo at hindi na matanaw
Damang dama pa rin sa aking damdamin
Saan ka man naroroon lumipas man ang panahon
Mga pangako ko ay laan pa rin sayo

Maghihintay pa rin ako'y maghihintay pa rin
At kailanma'y hindi maglalaho ang pag-ibig ko sayo
Sana'y muli mong pasinin at sanay muli mong mahalin
Pagkat naghihintay pa rin ako'y naghihintay pa rin wooh

Maghihintay pa rin ako'y maghihintay pa rin
At kailanma'y di maglalaho ang pag-ibig ko sayo
Sana'y muli mong pasinin at sanay muli mong mahalin
Pagkat naghihintay pa rin ako'y naghihintay pa rin (naghihintay pa rin)
Sayo