Isang Iglap

Unang tagpo tayo'y nagkatinginan
Damdamin ay mayrong naramdaman
Di nagtagal kapwa nagkakilala
Bawat isa'y nakadama ng pagsinta

Isang iglap puso ko'y nakamit mo
Sumumpa kang hindi magbabago
Bakit ngayon ako'y iyong iniwan
Dahil kaya sa bago mong minamahal

Isang iglap tayo'y pinagtagpo ako'y nabihag mo
Pag-ibig ko'y inalay sayo
Isang iglap ngayo'y iniwan mo pusong baliw sayo
Nasaan na ang pangako

Sana'y hindi na kita nakilala
Huwad pala ang taglay mong pagsinta
Heto ako mata'y tigib ng luha
Nag-iisa nagdurusa sa pagsinta