Kailan man hanggang wakas


Kailan man hanggang wakas
Sa puso kong ito
Ang tapat na pagliyab
Ay di magbabago

Magbuhat sa umaga
Sa aking pagbangon
Lagi kang pangarap
Hanggang sa maghapon

Kung di ko ipagtapat
Di mo mababatid
Pagkat ya'y nasa loob
Ng aking dibdib

Dinggin mo ang pagmamahal at pagsuyo kong wagas
O iniibig kita kailan man hanggang wakas

Dinggin mo ang pagmamahal at pagsuyo kong wagas
O iniibig kita kailan man hanggang wakas