Kakayanin Kaya
Natulala nang makita kang may kasamang iba
At sa aking puso ay may kaba
Dahil nagtataka kung saan nga ba nagkamali o nagkulang ba
Ano nga ba'ng meron siya
'Di ko na malaman pa ang gagawin
Kakayanin kayang ika'y mawala
At sa kanya'y ipaubaya
At hayaang sumaya ka sa piling niya
Kakayanin kayang ika'y may iba
At ang mahal mo'y kaming dalawa
Akin na lang bang tatanggapin
Kakayanin kaya
Nag-iisp kung magkukunwari na lang ba ako't
Itatago ang sakit
Pipilitin bang tanggapin
Na ika'y may iba bukod sa'kin
Kakayanin kayang ika'y mawala
At sa kanya'y ipaubaya
At hayaang sumaya ka sa piling niya
Kakayanin kayang ika'y may iba
At ang mahal mo'y kaming dalawa
Akin na lang bang tatanggapin
Kakayanin kaya
Na hayaan ka na lang
O ipaglalaban ba ang pag-ibig ko
O wag na lang
Hindi ko alam
Kung kakayanin kayang ika'y mawala
At sa kanya'y ipaubaya
At hayaang sumaya ka sa piling niya
Kakayanin kayang ika'y may iba
At ang mahal mo'y kaming dalawa
Akin na lang bang tatanggapin
O akin na lang bang palalayain
Kakayanin kaya