Karamay


Nagkulang sa galak
Dahil payak
Ang mga pangungusap
Naubos na ang lahat
Boses malat
Walang maiulat

Kailangan ko ng karamay

Ang iyong karanasan
Na mawalan
Ay pansarili
Hindi mo matandaan
Kapag nandiyan
Hindi mabahagi

Kailangan ko ng karamay

Ulitin
Pilitin
Mong sabihin sa akin
At ayaw mo rin
Pag-usapan
At wag mo na sanang ipaalala
Bukas itong sakit ay wala na

Pagdilat ng mata
Ikaw ang unang nakikita

Kailangan ko ng
Karamay karamay karamay

The most viewed

Ang Bandang Shirley songs in May