Kisapmata

Nitong umaga lang
Pagka lambing-lambing
Ng iyong mga matang hayop kung tumingin

Nitong umaga lang
Pagka galing-galing
Ng iyong sumpang walang aawat sa atin

O kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo sinta (pag-ibig mo sinta)
Daig mo pa ang isang kisapmata (daig mo pa ang kisapmata)
Kanina'y nariyan lang o ba't bigla naman nawala (bigla nang nawala)
Daig mo pa ang isang kisapmata

Kani-kanina lang
Pagka ganda-ganda
Ng pagkasabi mong sana'y tayo na nga

Kani-kanina lang
Pagka saya-saya ng buhay kong bigla
Na lamang nag-iba

O kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo sinta (pag-ibig mo sinta)
Daig mo pa ang isang kisapmata (daig mo pa ang kisapmata)
Kanina'y nariyan lang o ba't bigla naman nawala (bigla nang nawala)
Daig mo pa ang isang kisapmata

Nitong umaga lang
Pagka lambing-lambing
Nitong umaga lang
Pagka galing-galing

Kani-kanina lang
Pagka ganda-ganda
Kani-kanina lang
Pagka saya-saya