Kung Alam Ko Lang


Oh
Noong simula
Di ba't kay saya natin
Ligaya ay walang patid
Magkaibigan nauwi sa pag-ibig

Ngayon bakit ka
Ay nagpapaalam na
Iiwan nang nagdurusa
Ang aking puso
Na dati ay kay saya

Kung alam ko lang
Na ako ay masasaktan
Di na sana kita inibig
Di na sana hinayaan ang puso
Pumintig para sa'yo
Kung ganoon din na iiwan mo
Di na sana nagmahal ng tunay
Sana'y di na lang
Kung alam ko lang

Bakit ganito
Isa lamang bang laro
Ang pag-ibig para sa'yo
Sabihin mo giliw
Bakit sinaktan ako
Bakit nga kaya
Kahit magmahal pala
Ng tapat ang puso kong ito
Walang makasabi
Na di ka mabibigo

Kung alam ko lang (kung alam ko lang)
Na ako ay masasaktan
Di na sana kita inibig (di sana nagmahal)
Di na sana hinayaan ang puso
Pumintig para sa'yo
Kung ganoon din na iiwan mo
Di na sana nagmahal ng tunay
Sana'y di na lang
Kung alam ko lang

Kung alam ko lang
Na ako ay masasaktan
Di na sana kita inibig (di na sana inibig)
Di na sana hinayaan ang puso
Pumintig para sa'yo
Kung ganoon din na iiwan mo
Di na sana nagmahal ng tunay
Sana'y di na lang
Kung alam ko lang oh