Kung Maibabalik Ko Lang


Sayang ang mga sandaling pinalipas ko
Nar'on ka na bakit ba humanap ng iba
Ngayon ikaw ang pinapangarap
Pinang-hihinayangan ko ang lahat

Bakit ba ang pag-sisisi laging nasa huli
Ang mga lumipas ay 'di na maaring balikan
Sayang bakit ako nag-alinlangan pa
Tuloy ngayo'y lumuluha at nang-hihinayang

Kung maibabalik ko lang
Ang dati mong pagmamahal
Paka-iingatan ko at aalagaan

Kung maibabalik ko lang
Ang dating ikot ng mundo
Ang gusto ko ako'y
Lagi nalang sa piling mo

Oh sayang bakit ako
Nag-alinlangan pa
Tuloy ngayo'y lumuluha
At nang-hihinayang

Kung maibabalik ko lang
Ang dating ikot ng mundo
Ang gusto ko ako'y
Lagi nalang sa piling mo

Kung maibabalik ko lang
Ang dating ikot ng mundo
Ang gusto ko ako'y
Lagi nalang sa piling mo

Sa piling mo