Sa Iyo Aking Ama
Ngayon ang panahon at pagkakataon
Na magbalik-loob sa Panginoon
Kabiguan kasawian at kalungkutan
Sa ating Dios Ama ang kasagutan
Ang dalangin ko samahan Mo ako
Maging lugod at tapat sa'yo
Kailan man Ikaw ay paglilingkuran
Dahil ang buhay ko ay sa'yo lamang
Patawad oh aking Ama
Sa aking mga nagawang sala
Huwag na sanang malalayo sa'yo
Ang buhay kong iniaalay sa'yo
Tulungan Mo aking Ama
Makasunod ako sa'yo t'wina
Nais kong maglingkod sa'yong tunay
Mag-aalay papuri buong buhay
Sa Iyo aking Ama
Salamat sa Iyo aking Amang banal
Sa lingap Mo at pagmamahal
Dalangin ko sana ako'y 'yong samahan
Hanggang sa buhay na walang hanggan
Patawad oh aking Ama (aking Ama)
Sa aking mga nagawang sala
Huwag na sanang malalayo sa'yo
Ang buhay kong iniaalay sa'yo
Tulungan Mo aking Ama (tulungan mo aking Ama)
Makasunod ako sa'yo t'wina
Nais kong maglingkod sa'yong tunay
Mag-aalay papuri buong buhay
Sa Iyo aking Ama ( sa iyo aking Ama)
Oh
Patawad oh aking Ama (patawad oh aking Ama)
Sa aking mga nagawang sala
Huwag na sanang malalayo sa'yo
Ang buhay kong iniaalay sa'yo
Tulungan Mo aking Ama (aking Ama)
Makasunod ako sa'yo t'wina
Nais kong maglingkod sa'yong tunay
Mag-aalay papuri buong buhay
Sa Iyo aking Ama (sa Iyo aking Ama)
Salamat sa Iyo aking Ama