Kung Narito Ka Lang
La la la la la la
Kay bilog ng buwan at di mabilang ang bituin sa langit
Kay liwanag ng gabi
Ang amiha'y kay lamig
Kay gandang talasin ng buong paligid sa gabing tahimik
At ako'y naghihintay sa tabi ng batis
Kung narito ka lang ay kapiling ka ay anong ligaya
At ang gabi ay lalong tunay na gaganda
Kung narito ka lang o aking mahal kay saya na sana
Ng aking pusong laging sabik sa iyong pagsinta
La la la la la la la
Kung narito ka lang at kapiling ka ay anong ligaya
At ang gabi ay lalong tunay na gaganda
Kung narito ka lang o aking mahal kay saya na sana
Ng aking pusong laging sabik sa iyong pagsinta
Ng aking pusong laging sabik
Sa iyong pagsinta