Lipad


Ipikit mo ang iyong mata huminga ng malalim
Saka ka dumilat at pagmasdan ang tanawin
Damahin mo ang hangin sa iyong mukha
Habang nakalutang ka sa ibabaw ng mundo

Lipad lipad kaya mong lumipad
Lipad lipad anuman ang iyong hangad
Maniwala sa iyong galing abot mo ang bituin
Lipad lipad kaya mong lumipad

Basta't kaya mong isipin kaya mong gawin
Kalimutan ang kaba tayo'y sama-sama
Maaabot mo din ang pangarap mo
Pagkat sa puso mo kayang-kaya mo

Lipad lipad kaya mong lumipad
Lipad lipad anuman ang iyong hangad
Maniwala sa iyong galing abot mo ang bituin
Lipad lipad kaya mong lumipad

Lipad lipad kaya mong lumipad
Lipad lipad anuman ang iyong hangad
Maniwala sa iyong galing abot mo ang bituin
Lipad lipad kaya mong lumipad


Writer/s: ARTEMIO, JR. ABAD, JESSIE LASATEN