Panaginip


Yakapin mo ako
Tulad ng pagyakap mo sa unan mo
Isipin mo naman
Na ako ang laging panaginip mo

Di mo man alam
Lagi kong minamasdan ang pagtulog mo
Gabi'y dumarating
At ika'y malapit nang mapasaakin

Alam mong ikaw ang aking panaginip
Kahit na ako'y gising
Bakit ba hindi kita makapiling
Sa tunay na mundo

Hanggang dito na lang ba tayo
'Sang panaginip lang ang ating mundo
Sa pagdilat ko ika'y maglalaho
Babalik sa pag-iisa

Pakinggan mo ako
Gaya ng pagdinig mo sa mga awit ko
Umaga'y nandito na
Minsan ay ayoko nang gumising pa

Alam mong ikaw ang aking panaginip
Kahit na ako'y gising
Bakit ba hindi kita makapiling
Sa tunay na mundo

Hanggang dito na lang ba tayo
'Sang panaginip lang ang ating mundo
Sa pagdilat ko ika'y maglalaho
Babalik sa pag-iisa

Alam mong ikaw ang aking panaginip
Kahit na ako'y gising
Bakit ba hindi kita makapiling
Sa tunay na mundo

Hanggang dito na lang ba tayo
'Sang panaginip lang ang ating mundo
Sa pagdilat ko ika'y maglalaho
Babalik sa pag-iisa oh oh

Sa panaginip ko ikaw ang kayakap
Sa pagdilat ko'y iba ang iyong hanap
Sa pagtulog di na makakailag
Di na ako mag-iisa