Maghintay Ka Lamang

Kung hindi ngayon ang panahon na para sa iyo
Huwag maiinip dahil ganyan ang buhay sa mundo
Huwag mawawalan ng pag-asa darating din ang ligaya
Ang isipin mo'y may bukas pa na mayroong saya

Kabigua'y hindi hadlang upang tumakas ka
Huwag kang iiwas 'pag nabibigo dapat na lumaban ka

Ang kailangan mo'y tibay ng loob kung mayroong pagsubok man
Ang liwanag ay di magtatagal at muling mamamasdan
Iko't ng mundo ay hindi laging pighati't kasawian
Ang pangarap mo ay makakamtan basta't maghintay ka lamang