Mahal na Birhen


Mahal na ina ng Diyos
Mahal na birhen
Tulungan ninyo kami
Sa araw-araw naming suliranin
Sa aming mga kasalanan
Panalangin ninyong patawarin
Sa matuwid na landas
Kami ay inyong akayin

Mahal na ina ng Diyos
Mahal na birhen
Kayo ang ina
Tanging pag-asa namin
Ano man ang inyong
Ipagkaloob sa amin
Buong pusong pasasalamatan
At tatanggapin

Ano man ang inyong
Ipagkaloob sa amin
Buong pusong pasasalamatan at
Tatanggapin

Mahal na ina ng Diyos
Mahal na birhen
Kayo ang ina
Tanging pag-asa namin