Mahika


Nagsimula sa unang titig
Mata'y hindi na kumawala pa
Ako'y sobrang nabighani sa iyong
Taglay na ganda

Parang isang mahika ang bumalot sa'king isipan
Na unti-unting natutulala at hindi na mapigilan
O ano bang gayuma

Bakit ba tila nahuhulog sa'yo
Di malaman kung bakit nagkakaganito
Sadya bang tinadhana ang puso sa'yo
O isang panaginip lang ito

Kung ito ay isang panaginip ay ayaw nang magising
Ikaw lang ang nais makapiling o paano ba ang aking gagawin

Parang isang mahika ang bumalot sa'king isipan
Na unti-unting natutulala at hindi na mapigilan
O ano bang gayuma

Oh bakit ba tila nahuhulog sa'yo
Di malaman kung bakit nagkakaganito
Sadya bang tinadhana ang puso sa'yo
O isang panaginip lang ito (oh)

Oh bakit ba tila nahuhulog sa'yo
Di malaman kung bakit nagkakaganito
Sadya bang tinadhana ang puso sa'yo
O isang panaginip

Oh bakit ba tila nahuhulog sa'yo
Di malaman kung bakit nagkakaganito
Sadya bang tinadhana ang puso sa'yo
O isang panaginip lang ito oh
Panaginip lamang ito oh
Panaginip lamang ito