Makata


Kaya mo ba
Kaya mo ba na
Gumawa ng mga barang pansaksakan, pandiinan
Mga barang sa bigat, wasak lahat ng timbangan
Mga barang malaman, ang dunong ay siksikan
Mga barang nagsasabing pagdating sa digmaan
Ikaw ang pinakamalakas at maangas
Nanahimik ang Diyos nung kinagat mo ang mansanas
Ikaw ang sinamba dahil sa yong pinapamalas
Mga bumabangga ay mga tanga at malas
Dahil pinanganak sa iyong panahon
Ang makata ng makabagong panahon
Mga kanta na paborito ng buong nasyon
Sa tag-init ay-dagat, sa pasko ay hamon
Bawat salita kaninang nanamnamin
pagkatapos sasabihin ay "Amen"
Kung 'di mo ka yang maging pinakamagaling
Pagiging makata wag mo nang gawin

Pano kung di ko kaya...
Pano kung di ko kaya...
Iba aking hibla, iba ang dahilan
Di na para makisabay, mamamatay rin lang naman
malamang nadi ko makikitang
maging ganap na umaga ang balang araw
Na inaasahang maabutan
ng ibang henerasyong maiiwan
Bisig ng isa't isa ang sandigan
Para walang maging bagong halimaw
Kagaya ng nasa kasalukuyan
Uhaw sa dugo at tigang sa laman
Hayok sa yaman, lahat aapakan
Upang mapanatili sarili sa ibabaw
Gamit ay apostiya nang di makatakas
Sigaw ng mga dinadahas kada oras
Mga api na kada araw nakareha
Nakapulupot ang pinaparanas
Tinatawag na durugista at anay
Walang disiplina, mga pasaway
Dugyot at tamad, mga hindi matibay
Laging hinahamak para ipaaway
Sa mga tao na nasa gitna, mga
Di makadama sa paglubok ng bangka
Basang basa mga paa sa pulot na hinanda
Basang basa sila, minamanipula
Ng makapangyarihan na matabil
Demonyo na kayang magbihis anghel
Ang kalaban na nais kong madiskaril
Lunurin, sunugin sa dagat na kahel


Writer/s: David V. Villania