Maligayang Mundo


Ulap hangin dagat araw alon ng damdamin
Mahiwaga maligaya ang mundong mahimbing
Jeepney oto bisikleta ikot ng damdamin
Mahiwaga maligaya ang mundong taginting

Sama-samang tugtugin
Sari-saring himig
Kay ganda ng awitin ay libong giliw

Mama ale totoy nene awit ng pag-ibig
Mahiwaga maligaya ang mundong malambing

Sama-samang tugtugin
Sari-saring himig
Kay ganda ng awitin ay kapit-bisig

Mama ale totoy nene tayo na't umawit
Mahiwaga maligaya ang mundo nating mahimbing
Mundo nating taginting
Mundo nating malambing

La la la la la