Mariang Ina Ko
Sa 'king paglalakbay sa bundok ng buhay
Sa ligaya't lumbay maging talang gabay
Mariang ina ko ako ri'y anak mo
Kay Kristong kuya ko akayin mo ako
Kay Kristong kuya ko akayin mo ako
Maging aking tulay sa langit kong pakay
Sa bingit ng hukay tangnan aking kamay
Mariang ina ko ako ri'y anak mo
Kay Kristong kuya ko akayin mo ako
Kay Kristong kuya ko akayin mo ako
Sabihin sa kanya aking dusa at saya (sabihin sa kanya oh)
Ibulong sa kanya minamahal ko siya
Mariang ina ko ako ri'y anak mo
Kay Kristong kuya ko akayin mo ako
Kay Kristong kuya ko akayin mo ako (kay Kristong kuya ko)