Masaganang Kabukiran


Tayo na sinta sandali at limutin ang himutok
Ang mga mata'y itanaw sa mga luntiang bundok
At sa bukid mo langhapin ang hanging malamyos
Na 'sing-linis ng pagsintang di ko matalos

Ang mga pipit sa galak ay nag-aawitan
Ang ibig sabihin kay sarap mabuhay
Kung maralita man ikaw at salat sa yaman
Ang ginhawa mo'y narito sa kabukiran

Tatalon-talon iindak-indak ang tubig sa batis
Kung pigilin mo'y pipitlag-pitlag tulad ng pag-ibig
At tuloy pa rin ang pipit sa pag-awit
Sa mga pook na ito'y walang hapis

Kukunday-kunday ang maninipis na dahong kawayan
Sasayaw-sayaw sa nagdaraang mabangong amihan
At ako'y iyo sinta habang buhay
Sa gitna nitong masaganang kabukiran

Tatalon-talon iindak-indak ang tubig sa batis
Kung pigilin mo'y pipitlag-pitlag tulad ng pag-ibig
At tuloy pa rin ang pipit sa pag-awit
Sa mga pook na ito'y walang hapis

Pupunday-punday ang maninipis na dahong kawayan
Sasayaw-sayaw sa nagdaraang mabangong amihan
At ako'y iyo sinta habang buhay
Sa gitna nitong masaganang kabukiran