Masamang Damo
Kay tagal mo nang hinintay
Unti-unting nalulustay
Parang halamang lanta
Hindi nadiligan
Ang yong pinagtamnan
Kinain pa ng pesteng
Akala mong kaibigan mo hindi pala
Ninakawan ka pa't iniwang patay
Inubos na pasensya mo
Kinuha rin pitaka mo
Hindi mo namalayan
Na sya'y andiyan sa yong tabi
At siya'y ngumingisi
Nakadale na naman ang palos
Hindi mo siya mahuli
Siya'y tuwang-tuwa
Masamang damo'y mamamatay
Bakit mo pa binigay ang 'yong tiwala sa kanya
Ang nais na lang siya'y mawala
Siya'y mawala
Siya'y mawala
Siya'y mawala