Miss Kita Kung Christmas
Ang disyembre ko ay malungkot
Pagkat miss kita
Anomang pilit kong magsaya
Miss kita kung christmas
Kahit nasaan ako pabaling-baling ng tingin
Walang tulad mo
Ang nakapagtataka'y
Maraming nakahihigit sa iyo
Hinahanap-hanap pa rin kita
Ewan ko kung bakit ba
Ako'y iniwan mong nag-iisa
Miss kita oh giliw
Pasko'y sasapit
Di ko mapigil ang mangulila
Hirap nyang mayroon ka ng iba
Christmas na naman siguradong mami-miss na naman kita
Hindi ka mawala sa aking isipan pero anong magagawa ko
May iba kang mahal
Alam kong kahit na anong sabihin ko balewala lang ito sa'yo
Anumang pilit kong kalimutan ka ikaw pa rin ang nasa aking alalala
Hinahanap-hanap pa rin kita
Ewan ko kung bakit ba
Ako'y iniwan mong nag-iisa
Miss kita oh giliw
Pasko'y sasapit
Di ko mapigil ang mangulila
Hirap nyang mayroon ka ng iba
Hirap nyang mayroon ka ng iba