Nagmamahal


Kahit ako'y nilimot mo
Nagmamahal pa rin sayo
Sa puso ko'y laging ikaw
Ang hanap ko

Kahit ako'y sinaktan mo mahal
Hindi ako magdaramdam
Handang magdusa kung sadyang ito
Ang palad ko

Paano na ngayon
Wala ka na sa piling ko
Aanhin pa ang buhay kung ako'y
Nag-iisa

Nagmamahal pa rin sayo
Kahit ako'y nalimot mo
Pag-ibig ko'y hindi magbabago
O giliw ko

Saan ka man naroroon
Sana naman ay maalala mo
Na minsan ay may nagmahal sayong
Katulad ko

Saan ka man naroroon
Sana naman ay maalala mo
Na minsan ay may nagmahal sayong
Katulad ko

Habang itong mundo'y mundo
Magmamahal pa rin sayo