O hindi
May dalaga nga akong nakilala
Sa ganda siya'y halos walang makapara
Ang ilong at ang kutis ay wala ngang kawangis
Ang problema'y di niya 'ko inibig
O hindi
Di na ako iibig pa
O hindi hinding-hindi na talaga
O hindi
Di na ako iibig pa
O anong sakit ng mabasted pala
Mayroon naman akong nakilala
Umano siya'y hiwalay sa kanyang asawa
Ngunit nang kami'y magdate nang malaman ko'y too late
Kaming hari't reyna ay na-checkmate
O hindi
Di na ako iibig pa
O hindi hinding-hindi na talaga
O hindi
Di na ako iibig pa
O anong sakit ng mahuli pala
Mayroon namang isang dalagita
Na sa aki'y crush na crush na talaga
Nang kami ay mag stay-in pag-uwi namin mandin
Nakahanda na ang shotgun wedding
O hindi
Di na ako iibig pa
O hindi hinding-hindi na talaga
O hindi
Di na ako iibig pa
O anong sakit ng masabit pala
O hindi
Di na ako iibig pa
O hindi hinding-hindi na talaga