Paalam Bida


Paalam bida (paalam)
Tapos na ang maliligayang
Araw na tinutumba
Mga kalaban mo isa-isa
Paalam bida
Laging maalaala
Huwag dapat tatanga-tanga
Kung ayaw mamatay sa pagkatumba

Huwag kasing magtutulak (tulak)
Nang di nakaharap
Higpitan ang iyong hawak
Mag-helmet para makatiyak
Paalam bida (paalam)
Nawa'y nasa langit ka
Nang di naman mapurnada
Ang bida mong pag-aasta