Sapat Na


Sapat na ang iyong halik sa umaga
Sapat na ang yakap mo sa gabi
Sapat na ang tinig mong hangin
Ang titig mong bituin

Sapat na ang tawa mong araw
Sapat na ang luha mong ulan
Sapat na buhangin mong balat
Buhok mong dagat
Sapat na

Wala nang hahanapin pa
Pag-ibig mo'y sapat na
Sa puso kong ulila

Wala na akong hihilingin
Kundi ika'y makapiling
Sana ako'y sapat na rin

Sapat na ang iyong halik sa umaga
Tawa mong araw
Sapat na ang yakap mo sa gabi
Luha mong ulan
Sapat na ang tinig mong hangin
Buhok mong dagat
Sapat na

Wala nang hahanapin pa
Pag-ibig mo'y sapat na
Sa puso kong ulila

Wala na akong hihilingin
Kundi ika'y makapiling
Sana ako'y sapat na rin
Sapat
Sapat na rin


Writer/s: Khavn