Pag-Ibig Mo


Sa'yo oh Diyos ako'y lumalapit
Oh ang puso sa'yo'y nananabik
Patnubay mo'y nais kong makamit
Siyang yakap mo sa bawat saglit

Pag-ibig mo'y hindi nagbabago
Noon ngayon bukas panghahawakan ko
Pagsamo ko sa'yo'y iyong dinggin
Puno ng pag-asang iyong tutugunin

Hangarin ko'y mapapurihan ka
Sa buhay kong puno ng pag-asa
Bawat saglit tibok ng puso ko
Ang sambahin ang tanging ngalan mo

Pag-ibig mo'y hindi nagbabago
Noon ngayon bukas panghahawakan ko
Pagsamo ko sa'yo'y iyong dinggin
Puno ng pag-asang iyong tutugunin

Pag-ibig mo'y hindi nagbabago
Noon ngayon bukas panghahawakan ko
Pagsamo ko sa'yo'y iyong dinggin
Puno ng pag-asang iyong tutugunin

Sa'yo lamang ako'y mabubuhay
Sa'yo lamang ako'y may pag-asa
Walang pagod akong maghihintay
Umaasang ako'y may tagumpay

Pag-ibig mo'y hindi nagbabago
Noon ngayon bukas panghahawakan ko
Pagsamo ko sa'yo'y iyong dinggin
Puno ng pag-asang iyong tutugunin

Pag-ibig mo'y hindi nagbabago
Noon ngayon bukas panghahawakan ko

Pagsamo ko sa'yo'y iyong dinggin
Puno ng pag-asang iyong tutugunin
Pag-ibig mo'y hindi nagbabago
Noon ngayon bukas panghahawakan ko
Panghahawakan ko

The most viewed