Pagbabasbas
Panginoong lumikha ng kalangitan at lupa
Ang sansinukoban ay di sukat sa 'yong kadakilaan
Ano pa kaya itong abang tahanan
Ngunit ikaw ang ama na sa ami'y nagkalinga
Sa harap ng 'yong dambana
Kaya't sa samo ng madla
Magdalang habag ka
Pumanaog ka Poon sa tahanang laan sa 'yong kaluwalhatian
Puspusin mo ng biyaya ang dumudulog sa 'yong dambana