Paglisan
Paano ko malilimutan araw na nagdaan
Ligayang akala ko'y walang katapusan
Hindi ako handa na maiwan mag-isa
Gayong ang puso ko'y magmamahal pa rin sayo sinta
Sa iyong paglisan wag mo sanang kalimutan
Matatamis na sandali mga yakap ko't halik
Sa iyong paglisan sana'y baunin mo ang pangako
Na magmamahal parin sayo titigil ang tibok ng puso ko
Sa iyong paglisan
Paano mo nagawa na ako'y iyong iwan
Diba't nagsumpaan tayo sa ilalim pa ng ulan
Binigay naman ang lahat mahalin mo lang sinta
Ano pa ba ang dapat kong gawin magbago lang ang isip mo
Sa iyong paglisan wag mo sanang kalimutan
Matatamis na sandali mga yakap ko't halik
Sa iyong paglisan sana'y baunin mo ang pangako
Na magmamahal parin sayo titigil ang tibok ng puso ko
Sa iyong paglisan
Hindi na makakaya pang magmahal ng iba
Sana'y panaginip lang ang iyong paglisan woah
Sa iyong paglisan sana'y baunin mo ang pangako
Na magmamahal parin sayo titigil ang tibok ng puso ko
Sa iyong paglisan