Pagsisisi Laging Nasa Huli


Kapag ako'y hindi makatulog
Iniisip kung ano talaga sa atin nangyari
Kanina lang tayo'y nagkasagutan
Selos lang ang tangi mong dinadahilan

Di malaman aking gagawin
Ayoko ng isipin wala ka na sa akin
Pagsisisi laging nasa huli
Bakit ito ay nangyari

At nang ako'y nakatulog na
Napanaginipan kong ikaw ay aking katabi
Kay sarap naman ng ika'y aking yakapin
Para bang ayaw ko ng matapos ang gabi

Di malaman aking gagawin
Nang ako ay magising wala ka na sa akin
Pagsisisi laging nasa huli
Bakit ito ay nangyari

Di malaman aking gagawin
Nang ako ay magising wala ka na sa akin
Pagsisisi laging nasa huli
Bakit ito ay nangyari

Bakit ito ay nangyari
Bakit ito ay nangyari
Bakit ito ay nangyari