Pahinga Ka Muna
May pangamba sa puso
Bumabalot sa 'yo
Sa dami ng tanong
Walang maisagot
Orasang nag-aamba
Sa maaaring magbago
Maging ang nakaraan
Ay naaalala mo
Iniinda na ang buhay
Sa mga nararanasan
Kahit anong sikap
Kaaway sumisikat
Sa tindi ng ating laban
Masidhing pagmamahal
Nabatid ko't narinig
Ang salita ng Diyos (si Hesus ang nagsabi)
Pahinga ka muna (si Hesus ang nagsabi)
Sa 'kin magtiwala (si Hesus ang nagsabi)
Ang araw at gabi
Sa akin mo ilagak (si Hesus ang nagsabi)
Pumanata ka (si Hesus ang nagsabi)
Ako ang gagawa (si Hesus ang nagsabi)
Tulad ng bata
Sa dibdib ng kanyang ina
Pahinga ka muna
Tunay na kapahingahan
Ang mararanasan
Sa pagsikat ng araw
Pag-asa'y natatanaw (Hesus wala kang katulad)
Hesus wala kang katulad
Di mahihigitan
Ang iyong pagsinta
Galak ang dala-dala (si Hesus ang nagsabi)
Pahinga ka muna (si Hesus ang nagsabi)
Sa 'kin magtiwala (si Hesus ang nagsabi)
Ang araw at gabi
Sa akin mo ilagak (si Hesus ang nagsabi)
Pumanata ka (si Hesus ang nagsabi)
Ako ang gagawa (si Hesus ang nagsabi)
Tulad ng bata
Sa dibdib ng kanyang ina
Pahinga ka muna
Si Hesus ang nagsabi
Pumanata ka (si Hesus ang nagsabi)
Ako ang gagawa (si Hesus ang nagsabi)
Tulad ng bata
Sa dibdib ng kanyang ina
Pahinga ka muna
Pahinga ka muna
Pahinga ka muna