Pangako
Ako'y kinausap mo
Tungkol sa darating na pagsasama
Pag-iisa nating dalawa
Ako'y di nagtaka
Madama mula sa'yo ang iyong kaba
Sa ating hinaharap
Alam ko na kailangan pang ulitin sa'yo
Naiwang pangarap at pangako
Sama-sama buhayin ang pangako
Alam kong kaya mo pagkat buo ang iyong loob
Maaasahan mo hindi malilimutan
Habang tumatagal lalong tumitingkad
Ako'y pinagpala niya
Ng tanggapin mo ng buo ang pag-ibig ko
Ito ay kayamanan ko
Naniwala ka nagtiwala't nagmahal
Susuyuin ka ng walang hanngan
Alam ko na kailangan pang ulitin sa'yo
Naiwang pangarap at pangako
Sama-sama buhayin ang pangako
Alam kong kaya mo pagkat buo ang iyong loob
Maasahan mo hindi malilimutan
Habang tumatagal lalong tumitingkad
Alam ko na kailangan pang ulitin sa'yo
Naiwang pangarap at pangako oh
Sama-sama buhayin ang pangako
Alam kong kaya mo pagkat buo ang iyong loob
Maasahan mo hindi malilimutan
Habang tumatagal lalong tumitingkad