Patis


Yeah Jaypee Chang and Badang

Habang kumakain ng goto
Lalagyan ko sana ng patis
Pagtaktak ko nahulog yung takip o kay bangis
Di ko napigilan
Pagbuhos ay kay bilis
Yeah yeah kamot ulo sa inis

Pero atleast sumobra sa lasa
Hindi katulad mong matabang
Di ka man lang makaalala
Ako'y malas na nilalang ako pa ba'y iyong kilala
Hanggang kailan mag-aabang sa sagot at tatawag ka pa ba
Araw-araw nahihibang meron pa bang mapapala

Hatid mo'y sobrang luha umaapaw pagsikat ng araw
Kinakain ko ngayon gotong patis ang sabaw
Pinigaan ng kalamansi kaso humapdi ang singaw
Sa maalat na lugaw may hapdi ang sigaw

Pero atleast sumobra sa lasa
Hindi katulad mong matabang
Di ka man lang makaalala
Ako'y malas na nilalang ako pa ba'y iyong kilala
Hanggang kailan mag-aabang sa sagot at tatawag ka pa ba
Araw-araw nahihibang meron pa bang mapapala

Kagaya ko sayo parang sinigang na manok
Ang sobrang anghang sobrang alat ay mahirap malunok
Buti pa yung sweet and sour ay nakaka-miss
Kahit maasim OK sakin basta sobrang tamis (yeah)
Katulad ng pag-ibig ko na inaasahan ko sayo
Kailan ba 'to sasarap makukumpleto ang rekado
Pero kung mukhang malabo lagyan ng ketchup at toyo at limang kilong asin
Upang aking itodo

Pero atleast sumobra sa lasa
Hindi katulad mong matabang
Di ka man lang makaalala
Ako'y malas na nilalang ako pa ba'y iyong kilala
Hanggang kailan mag-aabang sa sagot at tatawag ka pa ba
Araw-araw nahihibang meron pa bang mapapala

Let's go
Yeah
Patis yo