Sa Silya
Sa silya inisip ko ang nagdaan
Nakaupo nakayuko ito'y gawa sa kawayan
Mga pagkakamali dahil sa kahinaan
Nakaraang binalot ng kadiliman
Nakatunganga lahat ay pinagsisihan
Nakatulala sa nagawang katarantaduhan
Sadyang hindi kumpleto pag wala ka
Kaya pinagdusahan
Buhay na walang direksyon at kulang
Ngayon nararanasan
Andito lang ako sa silya
Nag-aantay sayo (nag-aantay sayo)
Baka sakaling dumating ka
At mabalik ang dating tayo
Yayakapin ka at hahaplusin ng banayad
Pag dumating ang araw na handa ka nang
Magpatawad
Sa silya natutunan ko at naintindihan
Kung nasan ang tamang daan aking minarkahan
Nagawa ko ay malaking katangahan (katangahan)
Ngayon alam ko na ang iyong kahalagahan
Asahan mong hindi na papalpak
Itatama ang lahat
Luha ay di na papatak (patak)
Bigyan mo lang ako ng pagkakataong
Maayos ang nawarak
Mamahalin ka ng tapat at ibabalik ang tiwalang nawasak
Andito lang ako sa silya
Nag-aantay sayo (nag-aantay sayo)
Baka sakaling dumating ka
At mabalik ang dating tayo
Yayakapin ka at hahaplusin ng banayad
Pag dumating ang araw na handa ka nang
Magpatawad
Ikaw lang ang gusto
Makasama sa silya
Tayong dalawa wala nang pwedeng magkasya
Alam kong di na mapapatawad
Pero nangangarap na magbabago pa ang iyong pasya
Pangako di na titingin sa iba
Sa buhay ko ikaw ang nag-iisang Maria
Sa silya