Pelikula
Tutururu
Tutururu
Humakbang ka tawirin mo
Ang buhay sa pelikula
Umaandap sa dilim
Malalim na hininga
Kay ganda
Kay ganda ng kulay sa pelikula
Nagmamatyag naghihintay
Sa pagdating ng bida
Parang naging pelikula ang aking buhay
Hindi maiwasan ang batang ito ay may gayumang taglay
May gayumang taglay
Walang ibang masasambit di ko mapangalanan
Sisirin man ang dahilan di ko matunghayan kung bakit
Ang sulyap (sulyap)
Nagbabaga nagbabaga ng matagal
Humakbang ka tawirin mo
Ang buhay sa pelikula
Umaandap sa dilim
Malalim na hininga
Kay ganda (kay ganda)
Kay ganda ng kulay sa pelikula
Nagmamatyag naghihintay
Sa pagdating ng bida
Ito ba ay totoo ito ba'y kathang isip lang
Isang pelikulang matatapos din pagbukas ng ilaw (dururu)
Tumataya ng taimtim sa iyong mga ngiti
Isang araw magwawagi higit pa sa aking dreams
Habang kami nasa dilim nagkukumot ng pelikula
Alam ko mang may patibong sa likod ng tabing
Bakit ngayo'y sumusukli nitong mainit na lambing
Habang kami'y nasa dilim nagkukumot ng pelikula
Gusto ko mang lumayo hindi makapag-isip
Nauupos apoy apoy na may buhay na saglit
May buhay na saglit
Humakbang ka tawirin mo
Ang buhay sa pelikula
Umaandap sa dilim
Malalim na hininga
Kay ganda (kay ganda)
Kay ganda ng kulay sa pelikula
Nagmamatyag naghihintay
Sa pagdating ng bida
Ah
Tutururu