Puso Ko'y Nananabik


Dakila ka Panginoon dito sa puso ko
Hindi ka nagbabago ikaw ay totoo
Sa bawat tawag ko tinutugon mo ako
Ako'y walang takot
Ikaw ang kasama ko

Puso ko'y nananabik
Sa banal mong pag-ibig
Yakap mong walang maliw
Nadarama bawat saglit
Hindi mapapantayan
Ang wagas mong pag-ibig
Ng kahit sino pa man
Hesus ikaw lamang

Sa kapangyarihan mong taglay
Buhay ay lumaya
Kagalingan ay nakamtan
Buhay ay sumigla
Karapat-dapat lang na papurihan ka
Pasasalamat ay sasambitin tuwina

Puso ko'y nananabik
Sa banal mong pag-ibig
Yakap mong walang maliw
Nadarama bawat saglit
Hindi mapapantayan
Ang wagas mong pag-ibig
Ng kahit sino pa man
Hesus ikaw lamang

Pinatunayan mo kapangyarihan mo
Pinatunayan mo nag pag-ibig mo
Pinatunayan mo sa buong mundo
Ikaw lamang ang Diyos buhay at totoo

Pinatunayan mo kapangyarihan mo
Pinatunayan mo ang pag-ibig mo
Pinatunayan mo sa buong mundo
Ikaw lamang ang Diyos buhay at totoo

Puso ko'y nananabik
Sa banal mong pag-ibig
Yakap mong walang maliw
Nadarama bawat saglit
Hindi mapapantayan
Ang wagas mong pag-ibig
Ng kahit sino pa man
Hesus ikaw lamang oh

Hindi mapapantayan
Ang wagas mong pag-ibig
Ng kahit sino pa man
Hesus ikaw lamang
Hesus ikaw lamang
Hesus ikaw lamang