Puso Kong Hibang


Akala ko kilala na kita
Diba kailan lang
Tinunaw mo ang puso ko
Ngunit habang tumatagal
Nilaro sinaktan
Ng higit ang damdamin ko

Ayoko nang pagdaanan pa ang hapdi sa buhay ko
Bakit ba sa tuwing nariyan ka
Ako'y natutulala

Puso kong hibang
Hindi ko na kaya pang maranasan ang pagkabigo
Bakit ba minahal ka pa
Puso ko'y puro galos na
Matagal nang nahihibang

Ngayong maliwanag na ang lahat
Oras ko'y di na
Sasayangin pa sa tulad mo
Ngunit hayan ka na naman
May ngiting kumislap
Na binulag muli ang puso ko

Ayoko nang pagdaanan pa ang hapdi sa buhay ko
Bakit ba sa tuwing nariyan ka
Ako'y natutulala

Puso kong hibang
Hindi ko na kaya pang maranasan ang pagkabigo
Bakit ba minahal ka pa
Puso ko'y puro galos na
Matagal nang nahihibang

Matagal nang nahihibang oh

Puso kong hibang (puso kong hibang)
Hindi ko na kaya pang maranasan ang pagkabigo
Bakit ba minahal ka pa
Puso ko'y puro galos na
Matagal nang nahihibang

Puso kong hibang (puso kong hibang)
Hindi ko na kaya pang maranasan ang pagkabigo (maranasan ang pagkabigo)
Bakit ba minahal ka pa
Puso ko'y puro galos na
Matagal nang nahihibang

Tu
Puso ko'y puro galos na
Matagal nang nahihibang