Sa iyong Pagbabalik


Di ka nawawaglit sa isip
Sa aking pag-idlip ay panaginip
Laging nasasabik sa'yong pagbabalik
Hanggang kailan ako magtitiis

Di ka nawawaglit sa isip
Sa aking pag-idlip ay panaginip
Laging nasasabik sa'yong pagbabalik
Hanggang kailan ako magtitiis

Buhat ng lumayo ka aking hirang
Laging nalulumbay ang buhay
Giliw sa pagbabalik mo'y maghihintay
Pag-ibig na sadyang walang hanggan

Sana'y huwag kang mag-alinlangan
Ang aking pag-ibig iyong asahan
Sa'yong pagbabalik ako'y maghihintay
Pagkat ligaya ka niyaring buhay