Sa t'wing darating na ang Pasko

T'wing darating na ang pasko tayo'y nagdiriwang
At kahit na anong hirap may pagsasaluhan
May suman sa ibos at mayron ding ginataan
Mayroon ding maha blanco at kalamay espesyal

Lalo na pagdating ng noche buena
At tayo'y galing na sa pagsisimba
Sa kanto'y may tindang putobumbom pa
At bibingkang maligat ang lasa

Sa kahali-halinang tawag ng mga tindera
Sadyang mapipilitan ka at magagayuma
Lapit na at bili na ngayon habang mainit pa
At baka maubos na ang putobumbom at bibingka

Mag-uwi na rin kayo ng para sa lola't lolo
Pihong matutuwa sila pag natikman ito
At naging ugali na natin kapag noche buena
Kumain ng putobumbom at uminom ng tsaa

Tuwing darating na ang pasko tayo'y nagdiriwang