San Agustin Aming Patnubay
Agustin aming patnubay
Lantay ang 'yong karunungan
Bantog ang 'yong kabanalan
Na siyang dapat na tularan
Dahil sa 'yong kapangyarihan
Pinupuri ka't dinarangal
Mithiin namin 'yong pakinggan kami ay laging damayan
Kagalang-galang
Sa mundo'y hindi mapantayan
Nagpakasakit
Alang-alang kay Hesus na mahal
Agustin hirang
Ika'y paglilingkuran
Pag-ibig namin sayo magpasawalang hanggan