Sana Dalawa Ang Puso Ko
Parang kailan lang buhay ko'y walang gulo
May minamahal at minamahal ako
Nang makilala ka buhay ko'y biglang nagbago
Ako'y nagtataka puso ko'y litong-lito
Bakit nga kaya iisa ang puso natin
Di naman natin maaaring hatiin
Sana dalawa ang puso ko
Di na sana nalilito
Kung sino sa inyo
Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo
Para bang tukso na 'di ko kayang matalo
Isip ko'y lito walang mapili sa inyo
Sabi nga nila di maaaring magpantay
Pag-ibig sa dal'wa kaya't tanong ko lagi ay
Bakit nga kaya iisa ang puso natin
Di naman natin maaaring hatiin
Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana nalilito
Kung sino sa inyo
Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo
Ngunit kung isa sa inyo'y mawawala
'Di makakaya ang hirap na madarama
Kahit alam ko na darating din ang araw
Na pipili ako kung siya na nga o kung ikaw (sana)
Sana
Sana sana dalawa ang puso ko
Di na sana nalilito
Kung sino sa inyo
Sana sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo...
Sana (dalawa ang puso ko di na sana kailangan pa pumili sa inyo)