Sintunado
Do re mi fa sintunado
Kung ako'y isang gitara
Ikaw ang maestro ko
Pagkat ako ay sintunado
Kung wala sa piling mo
Matagal na rin akong nakatengga
Ngayo'y inaalikabok
Tila napabayaan nang sarili
Ngunit nagbago nang pinulot mo
Ako'y nagkasaysay
Mula nung niyakap mo ako
Nilinis mong dumi't alikabok
At iningatan nang buong-buo
Sa dakila mong kamay
Itono ang buhay kong ito
Upang ako'y magamit mo
Bigyan ng himig sa mundo
Lalala oh kay ganda ng awit ng puso ko
Pagkat ikaw na ang tumutugtog
Sa bawat pagtibok nito
Lalala ayoko na sayo ay lumayo
Pagkat ngayon ay nasa tono na
Ang dating sintunadong buhay ko (do re mi fa sintunado magmula sa tinig mo maestro)
Kay sarap maging gitara
Kapag ikaw ang maestro ko
Pagkat hindi na sintunado
Dahil hawak mo na ako
Nilagyan mo ng himig ang mga nota
Sa isip kong gulong-gulo
Ang makalawang na kwerdas ng puso
Pinalitan mo pa ng bagong-bago
Ako'y nagkasaysay
Mula nung niyakap mo ako
Nilinis mong dumi't alikabok
At iningatan nang buong-buo
Sa dakila mong kamay
Itono ang buhay kong ito
Upang ako'y magamit mo
Bigyan ng himig sa mundo
Lalala oh kay ganda ng awit ng puso ko
Pagkat ikaw na ang tumutugtog
Sa bawat pagtibok nito
Lalala ayoko na sayo ay lumayo
Pagkat ngayon ay nasa tono na
Ang dating sintunadong buhay ko
Binalik mo na sa tyempo
Ang pusong singkupado
Kaya't bawat pintig nito
Ay alay lang sayo (alay lang sayo)
Oh
Lalala oh kay ganda ng awit ng puso ko
Pagkat ikaw na ang tumutugtog
Sa bawat pagtibok nito
Lalala oh kay ganda ng awit ng puso ko
Pagkat ikaw na ang tumutugtog
Sa bawat pagtibok nito
Lalala ayoko na sayo ay lumayo
Pagkat ngayon ay nasa tono na
Ang dating sintunadong buhay ko (do re mi fa sintunado)
Sintunado (kung wala sa pilig mo)
Sintunado oh (do re mi fa sintunado kung wala sa piling mo)