Tamang Hinala
Nakapagtataka ang kinikilos mo
Parang may ginagawa kang ayaw mong malaman ko
Kapag tinatanong ka'y iniiba mo ang usapan para makaiwas ka lang
Bakit parang takot kang ako'y may matuklasan
Nalilito't naguguluhan
Ano ba ang iyong dahilan
Kung bakit kapag kausap ka'y tumatahimik ka lang
Kung ayaw mo na ay sabihin mo lang
Para di na umasa na walang hanggan ang pag-ibig mo
Kung ako naman sayo para di na malito ay ipagtapat na ito
Hindi ba kayang magsalita
Nahihiya ba o sinasadya
Ikaw ba'y mayroon ng iba
Nag-iiba ang pakitungo mo
Ika'y lumalayo
Bawat salita mo'y nagbibigay sa akin ng pagka-tuliro
Hindi mo maamin
Hindi ka makatingin kahit napapansin ko na
Parang wala na talaga
Nalilito't naguguluhan
Ano ba ang iyong dahilan
Kung bakit kapag kausap ka'y tumatahimik ka lang
Kung ayaw mo na ay sabihin mo lang
Para di na umasa na walang hanggan ang pag-ibig mo
Kung ako naman sayo para di na malito ay ipagtapat na ito
Hindi ba kayang magsalita
Nahihiya ba o sinasadya
Ikaw ba'y mayroon ng iba
At parang nanlamig ang aking katawan
Nang makita kita at aking matuklasan
Huling-huli kita huwag kang magkaila
Napatunayang tama ang hinala
Siguro nga'y hanggang dito na lang
Hindi na aabot sa walang hanggan
Ang pag-ibig mo kung hindi lang nalito
Sana ay nasabi sakin nang hindi na nagkaganito
Hindi ba kayang magsalita
Nahihiya ba o sinasadya
Ikaw ay mayroon ng iba